Saturday, May 21, 2016

TALAMBUHAY

Si Emma Charlotte Duerre Watson ay ipinanganak sa Paris, France noong ika 15th ng Abril taong 1990. Ang kanyang mga magulang ay sina Jacqueline Luesby at Chris Watson na parehong mga abogado. Siya ay inilipat sa Oxfordshire pagtungtong ng limang taong gulang, kung saan siya ay nag-aral sa Dragon School. Mula sa edad na anim na taong gulang, batid ni Emma na nais niyang maging isang artista, at sa maraming taon siya ay nagsanay sa Oxford branch of Stagecoach Theatre Arts, isang part-time theater school kung saan siya ay nag-aral ng pagkanta, pagsayaw at pagarte.

Sa edad na sampung taong gulang, siya ay kinuha at gumanap sa iba't-ibang Stagecoach Productions at school plays. Noong taong 1999, nagsimula ang pagahahanap ng gaganap para sa Harry Potter and the Sorcerer's Stone (2001), isang film adaptation ng pinakamabentang nobela ng British na manunulat na si JK Rowling. Natagpuan ng casting agents si Emma sa pamamagitan ng kanyang Oxford theatre teacher. Pagkatapos ng walong auditions, sinabihan ng producer na si David Heyman sina Emma at mga kapwa aplikante na sina Daniel Radcliffe at Rupert Grint, na sila ay napili para sa mga tungkulin ng tatlong leads na sina Hermione Granger, Harry Potter at Ron Weasley. Ang release ng Harry Potter and the Sorcerer's Stone (2001) ay cinematic screen debut ni Emma.

Umani ng magagandang papuri ang pelikula at ang tatlong nangungunang batang aktor. Ang mataas na pahayagan na 'The Daily Telegraph', ay binigyang papuri ang pagganap ni Emma bilang si Hermione. Sa ibang pagkakataon, si Emma ay hinirang para sa limang mga parangal para sa kanyang pagganap sa pelikula, siya ay nanalo ng Young Artist Award for Leading Young Actress in a Feature Film.

Matapos ang release ng unang pelikula, si Emma ay naging isa sa mga pinaka kilalang actress sa mundo. Siya ang patuloy na gumanap bilang si Hermione Granger sa halos sampung taon, sa lahat ng mga sumunod na Harry Potter films: Harry Potter and the Sorcerer's Stone (2001), Harry Potter and the Chamber of Secrets (2002), Harry Potter and the Prisoner of Azkaban (2004), Harry Potter and the Goblet of Fire (2005), Harry Potter and the Order of the Phoenix (2007), Harry Potter and the Half-Blood Prince (2009), Harry Potter and the Deathly Hallows: Part 1 (2010), and Harry Potter and the Deathly Hallows: Part 2 (2011).

Nakakuha si Emma ng dalawang Critics 'Choice Award nominations mula sa Broadcast Film Critics Association para sa kanyang pagganap sa Harry Potter And The Prisoner Of Azkaban at Harry Potter And The Goblet Of Fire. Nakatangap si Emma ng nominations noong 2011 para sa isang Nickelodeon Kids 'Choice Award, at nominado din bilang  Best Actress sa Jameson Empire Awards. Ang Harry Potter franchise ay nanalo sa BAFTA bilang Outstanding British Contribution to Cinema noong Pebrero 2011. Noong 2012 si Emma ay nakita sa Stephen Chbosky's adaptation ng kaniyang nobelang The Perks Of Being A Wallflower (2012), kasama si Logan Lerman at Ezra Miller. Ang pelikula ay nag premiere noong 2012 Toronto International Film Festival at nakatanggap ng magagandang papuri. Ang film ay nanalo ng People's Choice Award for Favourite Dramatic Movie. At nahirang naman si Emma bilang People's Choice Award for Favourite Dramatic Movie Actress. Para sa kanyang pagganap sa pelikula si Emma ay ginawaran sa pangalawang pagkakataon ng Best Supporting Actress Award sa Critics San Diego Film Society Awards kung saan ang film ay nanalo rin ng Best Ensemble Performance Award.  Ang mga sumusunod ay karagdagang pelikula ni Emma: The Bling Ring (2013), Noah (2014), The Vicar of Dibley (2015), Regression (2015), and Colonia (2015).


Noong 2012, si Emma ay pinarangalan ng Calvin Klein Emerging Star Award sa ELLE Women Hollywood Awards. Noong 2013, si Emma ay ginawaran ng Trailblazer Award sa MTV Movie Awards at ay pinarangalan ng GQ Woman of the Year Award sa GQ Awards. Karagdagang sa kanyang acting career, si Emma ay isang Goodwill Ambassador para sa UN, na nagsusulong ng pantay na kasarian at empowerment sa mga kababaihan. Si Emma ay nagtapos mula sa Brown University noong May 2014.

TIMELINE

  • Si Emma Charlotte Duerre Watson ay isa sa mga anak nina Jacqueline Luesby at Chris Watson na parehong mga abogado, sila ay nakatira sa Paris, France. Siya ay nanirahan sa lungsod hanggang siya ay tumungtong ng limang taong gulang, ngunit sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang; siya ay nanatili sa kanyang ina kasama ang nakababatang kapatid sa Oxfordshire.
  • Mula pa noong pagkabata, siya ay nangarap na maging isang artista at sumabak sa coaching class sa Stagecoach Theatre Arts upang isakatuparan ang kanyang mga pangarap, habang siya’y nag-aaral sa Dragon School, sa Oxford.
  • Sa edad na 10, siya ay gumanap sa iilang Produksyon at plays. Ito ay suhestiyon ng kanyang paaralan at mga guro. Siya ay napili sa wakas  para sa papel ni Hermione Granger  sa Harry Potter franchise noong 1999, na kung saan ay ang kanyang ka una unahang propesyonal na pag ganap at nagbigay sa kanya ng pambihirang tagumpay.
  • Siya ay nag audition para sa papel ng walong beses, natalo ang lahat ng mga kasabayan niyang mas nakatatanda sa kanya para sa papel na gagampanan. Dahil kawili-wili, mula mismo sa audition, siya’y nanalo at napukaw mismo ang puso ng ang may-akda na si JK Rowling.
  • Ang kanyang debut-screen na pagganap noong 2001, ay pumukaw ng atensiyon ng mga kritiko at madla mula sa iba’t ibang bansa. Ang kanyang mga masugid na tagahanga ang siyang tumulong upang makamit ni Emma Watson ang tagumpay gamit ang karakter ni ‘Hermione Granger’ sa aklat.
  • Sa kabila ng sabayang pag aaral sa Dragon School at pag arte noong 2003, hindi naging hadlang ito upang siya’y makapag rebyu para sa kanyang GCSE exams sa loob ng higit sa 5 oras kada araw. Siya ay nakapag iksamen sa sumunod na taon, at nagkamit ng dalawang A at walong A+.
  • Nang sumunod na taon, siya ay lumitaw sa pangalawang serye ng Harry Potter franchise; ‘Harry Potter and the Chamber of secrets’, na kung saan, ang kanyang screen-presence at ang kanyang acting skills ay napansin at napuri ng nakararami.
  • Nang sumapit ang taong 2004, ang kanyang pag ganap sa isang malaking papel sa ‘Harry Potter and the prisoner of Azkaban’, na ikatlong libro ng serye. Kahit na ang ikatlong pelikula ay nakakuha ng pinakamababang kita simula ng buong franchise, hindi matatawaran sa kanyang pagganap bilang isang mas mature na Hermione Granger na nag udyok upang siya ay maparangalan at ang mapansin ng mga kritiko.
  • Magmula taong 2004 hanggang 2009, siya naging masaya dahil sa patuloy na tagumpay sa Harry Potter films sa ika-apat, ikalima at ika-anim installments; ‘Harry Potter and the Fire of goblets’, ‘Harry Potter and the  Order of the Phoenix’ at ‘Harry Potter and the Half-Blood Prince’.
  • Nakita rin siya sa isang mas maliit na film na, ‘The tale of Despereaux’. Samantala, siya din ay naging model para sa Burberry at Lancme. Siya din ay naging aktibong kasangkot sa The Fair Trade fashion brand, at ‘People Tree’.
  • Ang huling yugto ng serye ng Harry Potter ay nahati sa dalawa; ‘Harry Potter and the deathly Hallows – Part 1’ at ‘Harry Potter and the deathly Hallows- Part 2’, kung saan pareho siyang kinunan sa pagitan ng taong 2009 at 2011.
  • Siya ay gumanap rin bilang isa sa leading roles sa film adaptation ng ‘The Perks of being a wallflower’, na inilabas noong Setyembre 2012.
  • Sa taong 2013, siya ay lumitaw sa ‘The Bling Ring’, batay sa ‘Bling Ring’ robberies, kung saan siya ay gumanap sa papel ni Nicki. Siya rin ay isa sa mga bituin sa isang sumusuportang papel na ‘This is the End’. Siya ay din ay nakita sa ‘Queen of Tearling’. 
  • Si Emma ay nagtapos sa Brown University ng kanyang Bachelor's Degreee in English Literature noong 2014.
  • Si Emma Watson kasama sina  Judi Dench, Robert Downey Jr., Mike Leigh, Julia Louis-Dreyfus and Mark Ruffalo ay  recipients noong  2014 sa Britannia Awards, na ginanap noong  ika 30 ng Oktubre sa Los Angeles. Si Watson ay nanalong British Artist of the Year at inialay ang kanyang award para kay Millie, na kanyang alagang hamster na namatay noong siya’y gumanap sa pelikulang Philosopher’s Stone.
  • Noong 2015 si Emma ay muling gumanap sa Colonia, pelikula na may temang nakakatakot kasama sina Daniel Brühl and Michael Nyqvist. Si Emma Watson ay gaganap rin bilang si Belle sa darating na 2017 na live-action adaptation ng Beauty and the Beast kung saan katambal niya si Dan Stevens bilang Beast.
  • Noong nakaraang Pebrero 2016, Si Emma Watson ay nagdesisyon na mamahinga muna sa pag arte. Pinaplano niya ngayon na mag focus muna sa “personal development” at sa kanyang women’s rights work.

SANAYSAY

Isinulat ni: Lorraine S. Bandala

Si Emma Watson ay isa sa mga nagpatunay na kaya rin ng kababaihan ang gumawa ng pangalan at tumayo sa kaniyang sariling mga paa upang maisakatuparan ang mga pangarap sa buhay. Simula pa lang noong pagkabata, ipinakita na ni Emma na ang pangarap ay pinagtatrabahuhan at pinaghihirapan. Sa mga kabataan ngayon, iilan na lang ang nagsisikap at nagpupursigi. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay puro ginhawa na lang sa buhay ang iniisip. Sila’y nahihilig sa mga makamundong bagay at lagging gusting nasusunod sa kung ano ang uso. Sa tulong ng kanilang mga magulang, hindi na mahirap para sa kanila na makuha ang kanilang mga kagustuhan. Sa kabila ng naiibang takbo ng buhay ngayon, si Emma Watson ay isa sa mga magandang ihemplo sa mga kabataan. 

Bukod sa mga naabot na tagumpay, siya’y nanatiling mapagkumbaba. Siya rin ay tumutulong sa mga nangangailangan at nakikiisa sa mga programang pang kababaihan. Tunay ngang kahanga hanga si Emma dahil nagawa niyang pagsabayin ang pagaaral, pagtatrabaho, at pagkamit s kaniyang mga pangarap. Dahil rito, pinatunayan niya rin na kung gusto ay may paraan. Hindi sa lahat ng oras dapat tayong umasa sa ating mga magulang, mas mainam na matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa kagaya na lamang ni Emma. Dapat rin tayong maging sensitibo at tumulong sa mga nangangailangan. Gamitin natin ang ating kakayanan at katalinuhan upang mapagbuti ang kalagayan ng bawat isa. Hindi dapat maging hadlang ang ating kasarian upang makamit ang tagumpay. Babae man o lalaki, lahat tayo ay may kapasibilidad na magtagumpay at maabot ang ating mga pangarap. Bilang isang babae at parte ng makabagong panahon, ako’y gagawa rin ng mga hakbangin na magpapaunlad sa akin at sa mga tao sa aking paligid. Sisiguraduhin kong sa kabila ng mga tagumpay na aking makakamit sa hinaharap, ako’y mananatiling mapagkumbaba at matulungin.



Isinulat ni: Dennisse Allisson B. Enriquez

Si Emma Watson ay isa sa mga artista na aking itinuturing na magandang halimbawa at dapat tularan ng kabataan. Sa murang edad, si Emma ay mayroon ng mga munting pangarap at batid na niyang ang kanyang mga nais mangyari sa hinaharap. Si Emma ay isang larawan ng babaeng punong puno ng determinasyon at pangarap sa buhay, siya ay isang babae na naguumapaw sa kagandahan, katalinuhan, talento, at malasakit sa kapwa. Si Emma Watson ay isa sa mga artista na pinaghirapan ang kanyang nakakamit na katanyagan, ang lahat ng mayroon siya ngayon ay bunga ng kanyang kasipagan at kagalingan. Ipinakita rin ni Emma sa lahat na hindi naging hadlang ang kanyang pagiging artista upang makapagtapos siya sa kanyang pag-aaral, si Emma ay nakapagtapos sa Brown University ng kanyang Bachelor’s degree in English Literature noong 2014. 

Bilang isang estudyante na kumukuha ng kursong International Studies, aking masasabi na si Emma Watson ay isang magandang ehemplo sa kababaihan. Pinatunayan ni Emma na siya ay hindi lamang isang sikat na artista, siya ay isa ding normal na tao na may malasakit sa nangyayari sa mundo, siya ay isang babae na may malasakit sa kanyang kapwa babae. Si Emma ay naitalaga na UN Women Goodwill Ambassador, si Emma ay isa sa mga nagpatunay na mayroon pa ding mga artista na hindi lamang puro kagandahan, ngunit matalino rin at may puso. Bilang isang babae, sinisiguro ko na aking isasapuso lahat ng aking natututunan sa Miriam College at sa aking kurso na International Studies. Sinisiguro ko na ako ay magiging bahagi ng iba’t ibang proyekto at adbokasiya para sa kababaihan, isa ako sa tutulong sa pagsulong ng karapatan ng aking mga kapwa babae. Kahalintulad ni Emma Watson, ipinapangako ko na ako ay magiging isang magandang ehemplo hindi lamang sa mga kababaihan kundi sa lahat ng mga kabataan.



Isinulat ni: Mellecent C. Barba

Si Emma Watson ang kauna unahang babaeng aking hinangaan simula pagkabata ko pa lamang ay lagi ko na siyang inaabangan sa kanyang pelikulang Harry Potter. Ang kaniyang karakter bilang si Hermione ang naging inspirasiyon ko upang maging mas mabuting babae, isang babaeng maganda, matalino, may malakas na loob at isang babaeng kayang tumayo sa sarili niyang mga paa. Isang babaeng may malaking puso, isang babaeng may pagpapahalaga sa sarili, sa kanyang kapwa , pamilya ,at mga kaibigan.

Hindi lamang sa kanyang karakter bilang si Hermione ako humanga kung hindi bilang si Emma Watson mismo. Si Emma Watson para sa akin ay isang magandang halimbawa para sa mga kabataan, dahil sa kaniyang  maagang pagsabak sa mundo ng showbiz ay huminto siya sa pag aaral ngunit hindi iyon naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang kanyang pag aaral. Grumaduate si Emma sa isang tanyag na unibersidad, bukod sa siya ay isang matalinong babae, si Emma ay isa ring inspirasiyon ng mga kababaihan dahil kahit bata pa lamang pinakita na ni Emma ang kanyang pagiging feminista.

Bukod sa pagiging feminista siya rin ay aktibo sa usaping pang kapaligiran, isinusulong ni Emma ang mga adbokasiyang magbibigay proteksiyon sa ating kapaligiran at mga karapatan ng bawat babae. Ang mga bagay na natutunan ko sa kanya bilang si Hermione ay lalo pa niyang pinalawak noong ipinakita niya ang kaniyang totoong sarili bilang si Emma Watson.

Bukod sa kanyang angkin galing sa pagarte at talino, hinahangaan ko rin siya sa paraan ng kanyang pananamit, ang kanyang pananamit ay sobrang elegante at pormal ngunit sa kabila ng lahat ng magagarbo niyang mga suot ay hindi parin niya nakalimutan ang kanyang mga adbokasiya.  Ang mga damit na kaniyang sinusuot ay galing sa mga lumang bagay lamang at iyon ang ginamit upang makabuo ng isang panibagong damit.

Si Emma Watson ang babaeng may paninindigan at isang salita, dahil hindi niya lamang sinasabi ang kaniyang adbokasiya kundi siya mismo ang nagsisimula ng mga hakbang upang gawin ito at impluwensiyahan ang mga tao. Hinahangaan ko siya dahil ang ating mundo ay mas nangangailangan ng mas maraming katulad niya at sana mas marami pa siyang ma impluwensiyahan sa kanyang mabubuting hangarin at sabay sabya nating pagandahin ang ating mundo.

LARAWAN











TALASANGGUNIAN

Emma Watson. (2016, May 19). Retrieved from Wikipedia: The Free Encyclopedia: https://en.wikipedia.org/wiki/Emma_Watson

Emma Watson Biography. (n.d.). Retrieved from The Famous People: Society for Recognition of Famous People: http://www.thefamouspeople.com/profiles/emma-watson-4762.php

Emma Watson Biography. (n.d.). Retrieved from IMDb: http://www.imdb.com/name/nm0914612/bio?ref_=nm_ov_bio_sm