Si Emma
Charlotte Duerre Watson ay ipinanganak sa Paris, France noong ika 15th ng Abril
taong 1990. Ang kanyang mga magulang ay sina Jacqueline Luesby at Chris Watson
na parehong mga abogado. Siya ay inilipat sa Oxfordshire pagtungtong ng limang
taong gulang, kung saan siya ay nag-aral sa Dragon School. Mula sa edad na anim
na taong gulang, batid ni Emma na nais niyang maging isang artista, at sa
maraming taon siya ay nagsanay sa Oxford branch of Stagecoach Theatre
Arts, isang part-time theater school kung saan siya ay nag-aral ng pagkanta,
pagsayaw at pagarte.
Sa edad na sampung taong gulang, siya ay kinuha at gumanap sa
iba't-ibang Stagecoach Productions at school plays. Noong taong 1999, nagsimula
ang pagahahanap ng gaganap para sa Harry Potter and the Sorcerer's Stone
(2001), isang film adaptation ng pinakamabentang nobela ng British na manunulat
na si JK Rowling. Natagpuan ng casting agents si Emma sa pamamagitan ng kanyang
Oxford theatre teacher. Pagkatapos ng walong auditions, sinabihan ng producer
na si David Heyman sina Emma at mga kapwa aplikante na sina Daniel Radcliffe at
Rupert Grint, na sila ay napili para sa mga tungkulin ng tatlong leads na sina
Hermione Granger, Harry Potter at Ron Weasley. Ang release ng Harry Potter and
the Sorcerer's Stone (2001) ay cinematic screen debut ni Emma.
Umani ng magagandang papuri ang pelikula at ang tatlong
nangungunang batang aktor. Ang mataas na pahayagan na 'The Daily Telegraph', ay
binigyang papuri ang pagganap ni Emma bilang si Hermione. Sa ibang pagkakataon,
si Emma ay hinirang para sa limang mga parangal para sa kanyang pagganap sa
pelikula, siya ay nanalo ng Young Artist Award for Leading Young Actress in a
Feature Film.
Matapos ang release ng unang pelikula, si Emma ay naging isa sa
mga pinaka kilalang actress sa mundo. Siya ang patuloy na gumanap bilang si
Hermione Granger sa halos sampung taon, sa lahat ng mga sumunod na Harry Potter
films: Harry Potter and the Sorcerer's Stone (2001), Harry Potter and the
Chamber of Secrets (2002), Harry Potter and the Prisoner of Azkaban (2004),
Harry Potter and the Goblet of Fire (2005), Harry Potter and the Order of the
Phoenix (2007), Harry Potter and the Half-Blood Prince (2009), Harry Potter and
the Deathly Hallows: Part 1 (2010), and Harry Potter and the Deathly Hallows:
Part 2 (2011).
Nakakuha si Emma ng dalawang Critics 'Choice Award nominations
mula sa Broadcast Film Critics Association para sa kanyang pagganap sa Harry
Potter And The Prisoner Of Azkaban at Harry Potter And The Goblet Of Fire.
Nakatangap si Emma ng nominations noong 2011 para sa isang Nickelodeon Kids
'Choice Award, at nominado din bilang Best Actress sa Jameson Empire
Awards. Ang Harry Potter franchise ay nanalo sa BAFTA bilang Outstanding
British Contribution to Cinema noong Pebrero 2011. Noong 2012 si Emma ay nakita
sa Stephen Chbosky's adaptation ng kaniyang nobelang The Perks Of Being A
Wallflower (2012), kasama si Logan Lerman at Ezra Miller. Ang pelikula ay nag
premiere noong 2012 Toronto International Film Festival at nakatanggap ng
magagandang papuri. Ang film ay nanalo ng People's Choice Award for Favourite
Dramatic Movie. At nahirang naman si Emma bilang People's Choice Award for
Favourite Dramatic Movie Actress. Para sa kanyang pagganap sa pelikula si Emma
ay ginawaran sa pangalawang pagkakataon ng Best Supporting Actress Award sa
Critics San Diego Film Society Awards kung saan ang film ay nanalo rin ng Best
Ensemble Performance Award. Ang mga sumusunod ay karagdagang pelikula ni
Emma: The Bling Ring (2013), Noah (2014), The Vicar of Dibley (2015),
Regression (2015), and Colonia (2015).
Noong 2012, si Emma ay pinarangalan ng Calvin Klein Emerging Star
Award sa ELLE Women Hollywood Awards. Noong 2013, si Emma ay ginawaran ng
Trailblazer Award sa MTV Movie Awards at ay pinarangalan ng GQ Woman of the
Year Award sa GQ Awards. Karagdagang sa kanyang acting career, si Emma ay isang
Goodwill Ambassador para sa UN, na nagsusulong ng pantay na kasarian at empowerment
sa mga kababaihan. Si Emma ay nagtapos mula sa Brown University noong May 2014.