TIMELINE
- Si
Emma Charlotte Duerre Watson ay isa sa mga anak nina Jacqueline Luesby at Chris
Watson na parehong mga abogado, sila ay nakatira sa Paris, France. Siya ay
nanirahan sa lungsod hanggang siya ay tumungtong ng limang taong gulang, ngunit sa paghihiwalay
ng kanyang mga magulang; siya ay nanatili sa kanyang ina kasama ang
nakababatang kapatid sa Oxfordshire.
- Mula
pa noong pagkabata, siya ay nangarap na maging isang artista at sumabak sa
coaching class sa Stagecoach Theatre Arts upang isakatuparan ang kanyang mga
pangarap, habang siya’y nag-aaral sa Dragon School, sa Oxford.
- Sa
edad na 10, siya ay gumanap sa iilang Produksyon at plays. Ito ay suhestiyon ng kanyang paaralan at mga guro. Siya ay napili sa wakas para sa papel ni Hermione Granger sa Harry Potter franchise noong 1999, na kung saan ay ang kanyang ka una unahang propesyonal na pag ganap at nagbigay sa kanya ng pambihirang tagumpay.
- Siya
ay nag audition para sa papel ng walong beses, natalo ang lahat ng mga
kasabayan niyang mas nakatatanda sa kanya para sa papel na gagampanan. Dahil kawili-wili, mula mismo sa audition, siya’y nanalo
at napukaw mismo ang puso ng ang may-akda na si JK Rowling.
- Ang kanyang debut-screen na pagganap noong 2001, ay pumukaw ng atensiyon ng mga kritiko at madla mula sa iba’t ibang bansa. Ang kanyang mga masugid na tagahanga ang siyang tumulong upang makamit ni Emma Watson ang tagumpay gamit ang karakter ni ‘Hermione Granger’ sa aklat.
- Sa kabila ng sabayang pag aaral sa Dragon School at pag arte noong 2003, hindi
naging hadlang ito upang siya’y makapag rebyu para sa kanyang GCSE exams sa
loob ng higit sa 5 oras kada araw. Siya ay nakapag iksamen sa sumunod na taon,
at nagkamit ng dalawang A at walong A+.
- Nang
sumunod na taon, siya ay lumitaw sa pangalawang serye ng Harry Potter
franchise; ‘Harry Potter and the Chamber of secrets’, na kung saan, ang kanyang
screen-presence at ang kanyang acting skills ay napansin at napuri ng nakararami.
- Nang
sumapit ang taong 2004, ang kanyang pag ganap sa isang malaking papel sa ‘Harry
Potter and the prisoner of Azkaban’, na ikatlong libro ng serye. Kahit na ang ikatlong pelikula ay nakakuha ng pinakamababang kita
simula ng buong franchise, hindi matatawaran sa kanyang pagganap bilang isang
mas mature na Hermione Granger na nag udyok upang siya ay maparangalan at ang
mapansin ng mga kritiko.
- Magmula
taong 2004 hanggang 2009, siya naging masaya dahil sa patuloy na tagumpay sa
Harry Potter films sa ika-apat, ikalima at ika-anim installments; ‘Harry Potter
and the Fire of goblets’, ‘Harry Potter and the Order of the Phoenix’ at
‘Harry Potter and the Half-Blood Prince’.
- Nakita rin siya sa isang mas maliit na film na,
‘The tale of Despereaux’. Samantala, siya din ay naging
model para sa Burberry at Lancme. Siya din ay naging aktibong
kasangkot sa The Fair Trade fashion brand, at ‘People Tree’.
- Ang
huling yugto ng serye ng Harry Potter ay nahati sa dalawa; ‘Harry Potter and
the deathly Hallows – Part 1’ at ‘Harry Potter and the deathly Hallows- Part
2’, kung saan pareho siyang kinunan sa pagitan ng taong 2009 at 2011.
- Siya
ay gumanap rin bilang isa sa leading roles sa film adaptation ng ‘The Perks of
being a wallflower’, na inilabas noong Setyembre 2012.
- Sa
taong 2013, siya ay lumitaw sa ‘The Bling Ring’, batay sa ‘Bling Ring’
robberies, kung saan siya ay gumanap sa papel ni Nicki. Siya rin ay isa sa mga
bituin sa isang sumusuportang papel na ‘This is the End’. Siya ay din ay nakita
sa ‘Queen of Tearling’.
- Si Emma ay nagtapos sa Brown University ng kanyang Bachelor's Degreee in English Literature noong 2014.
- Si
Emma Watson kasama sina Judi Dench, Robert Downey Jr., Mike
Leigh, Julia Louis-Dreyfus and Mark Ruffalo ay
recipients noong 2014 sa Britannia Awards, na ginanap
noong ika 30 ng Oktubre sa Los Angeles. Si Watson ay nanalong
British Artist of the Year at inialay ang kanyang award para kay
Millie, na kanyang alagang hamster na namatay noong siya’y gumanap sa
pelikulang Philosopher’s Stone.
- Noong
2015 si Emma ay muling gumanap sa Colonia, pelikula na may temang nakakatakot
kasama sina Daniel Brühl and Michael Nyqvist. Si Emma Watson ay gaganap
rin bilang si Belle sa darating na 2017 na live-action
adaptation ng Beauty and the Beast kung saan katambal
niya si Dan Stevens bilang Beast.
- Noong
nakaraang Pebrero 2016, Si Emma Watson ay nagdesisyon na mamahinga muna sa pag arte.
Pinaplano niya ngayon na mag focus muna sa “personal development” at sa kanyang
women’s rights work.